August 26th, 2008
Eraserheads reunion concert ticket at pag-iwas sa online scam
Habang naghahanap ng pinakabagong detalye tungkol sa Eraserheads reunion concert, nabasa ko sa isang Inquirer.net blog na may ibenebenta raw sa Internet na pekeng tiket sa halagang 50 libong piso. Pero mukha namang joke lang ito.
Ngunit paano kung hindi? At paano kung may mauto? Wala naman siguro. Sana naman ay wala.
Ilang buwan na ang nakalilipas, nagsulat ako sa Pinoy Gazette ng dalawang article na may tips para makaiwas sa online scam:
August 25th, 2008
Eraserheads reunion concert, tuloy pa rin!
Matapos mapabalitang nakansela ang nakatakdang Eraserheads reunion concert sa Agosto 30, matutuloy raw ito.
Ayon ito sa isang e-mail ng Eraserheads drummer na si Raymund Marasigan sa isang e-group at ini-repost ng PhilMusic.com.
At hindi na kumpanya ng yosi ang producer nito. Mabuti naman kung ganoon. Sana di na kumpanyang nagbebenta ng bisyo.
Narito ang e-mail:
August 24th, 2008
Bangsamoro
Pinoy Gazette
August 24, 2008
Isang araw bago ang nakatakdang pirmahan sa Malaysia ng isang kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front, kumilos ang Kataastaasang Hukuman upang ipahinto ito.
Ang kasunduan, na ang buong pamagat ay “Memorandum of Agreement on the Ancestral Domain Aspect of the GRP-MILF Tripoli Agreement on Peace of 2001″ ay kumikilala sa karapatan ng mga Bangsamoro na magkaroon ng sariling teritoryo at sariling pamahalaan. Palalawakin nito ang nasasakupan ng kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao upang buuin ang Bangsamoro Juridical Entity (BJE).
August 21st, 2008
Sa araw ni Ninoy
Sa araw ni Ninoy, nauubusan ako ng mga salita. Buwan pa naman ng pambansang wika. Pagod lang siguro ako sa mga balita. Giyera at bagyo. Paulit-ulit.
Sa trabaho, kinakailangan kong balikan ang mga pangyayari sa Mindanao sa nakalipas na taon. At t nakita kong paulit-ulit lang. Away-bati ang GRP at MILF. Walang hanggang traiduran.
Samantala, sa may may Ilog Pasig, may nakaluklok pa ring mga maharlikang huwad — tulad din noong kapanahunan ni Senador Benigno Aquino, Jr.
Ito pa rin ba ang bansang pinag-alayan ng buhay ni Ninoy?








